Gamot sa Peklat – Ilang Kaalaman

Ang peklat ay natural na prosesong dinaraanan ng ating balat pagkatapos itong magkaroon ng sugat. Ito ay bahagi ng tissue na pumapalit sa bahaging nasira bilang bahagi ng natural na proseso ng pagpapagaling ng katawan.

Kailangan ba Kaagad ang Gamot sa Peklat?

Sa iilan, ang peklat ay hinahayaan na lamang lalo na kung ito naman ay matatagpuan sa mga tagong bahagi ng katawan. Samantalang may iba naman na ipinagmamalaki ang pagkakaroon ng peklat dahil ito ang tanda at simbolo ng mga pagsubok at hamon na hindi nila inurungan sa halip ay pinagtagumpayan.

Subalit kung ang peklat ay nasa bahaging madalas ay makita at hindi maiiwasang mapansin ito. Dito na nagsisimulang mabuhay ang paghahangad na makatagpo ng mabisang gamot sa peklat.

Iba’t Ibang Uri ng Peklat, Alamin

Bago humanap ng mabisang gamot sa peklat, mahalagang malaman muna kung ano ano ang iba’t ibang uri at anyo nito. Depende sa anyo, hugis, lalim, laki at pinagmulan ng peklat ang tamang pagtukoy kung anong gamot at paraan ang mabisa para dito.

Ang keloid ay isa sa hindi kaaya-ayang anyo ng peklat. Sa ganitong pagkakataon, ang balat ay kumakapal at ang peklat ay higit na lumalawak ang sakop kaysa nasasakupan ng naging sugat. Ayon sa mga pag aaral, bunga ito ng masyadong mabilis at agresibong proseso ng biological wound healing.

Ang keloid ay madalas na mangyari sa mga taong may mas maitim na kulay kaysa sa mga mapuputi. Ito ay inaagapan sa pamamagitan ng bahagyang pagdiin ng malamig na compress o gel pad kaagad pagkatapos mapaso.

May ilang paraan din na gumagamit ng steroid injection upang mapatag muli ang balat bilang gamot sa peklat. Sa mga pagkakataon naman na hindi naagapan ang pag-alsa ng balat, ang ilan ay pinipiling sumailalim sa surgery upang alisin ang sumobrang balat.

Ang hypertrophic scars naman ay gumagamit din ng parehong proseso na gaya ng sa keloids bilang gamot sa peklat. Dahil din ito sa halos pagkakapareho ng mga katangian ng dalawang nabanggit na uri ng peklat. Ang tanging pagkakaiba ay mas maliit ang nasasakupan ng hypertrophic scar at hindi ito lumalampas sa laki ng naging sugat.

Ang contracture scars ay kadalasang epekto ng pagkapaso. Sa pagkakataong ito, ang healing process ay nangyayari sa pamamagitan ng pagsikip ng balat. Ang pagsikip naman na ito ay maaaring makapigil sa normal na paggalaw ng bahaging nasugatan at kung sa mas matindi ang pinsala ay maaari rin itong umabot sa mga muscles.

Iba’t Ibang Uri ng Gamot sa Peklat

May mga peklat na nagangailangan ng espesyal na atensyon upang matanggal. Ang steroid injections ay gamot sa peklat na isinasagawa ng mga doktor upang mapantay hanggang tuluyang mabura ang mga peklat na angat sa balat gaya keloids at hypertrophic scars.

May mga pantapal naman na gaya ng collagen na ginagamit ang ilang espesyalista bilang gamot sa peklat. Ito ay ipinapahid upang pumantay ang mga peklat na lumikha ng hukay o ukit sa balat. Ngunit ang mga ganitong uri ng gamot ay pansamantala lamang at nagtatagal lamang ayon sa nais ng pasyente at depende sa halagang kaya niyang ilaan dito.

Sa mga malalang uri ng sugat na nag iiwan ng matitinding peklat, ipinapayo ng mga espesyalista na ang pasyente ay sumailalim sa surgery o operasyon. Ang mga ganitong uri ng gamot sa peklat ay kadalasang isinasagawa sa mga peklat na nakaapekto sa normal na kilos at pagganap ng mga bahagi ng katawan.

Ngunit kung ang dahilan ng peklat ay isa ring katatapos lang na operasyon, ipinapayo ng mga doktor na palipasin muna ang isang taon o higit pa o hanggang sa tuluyang maghilom ang layers ng sugat dulot ng operasyon bago sumailalim sa surgery upang alisin ang peklat.

Ang skin grafting ayon sa pangalan nito ay isang paraan ng paggamot sa peklat na halos kagaya ng agricultural grafting kung saan ang isang bahagi ng halaman ay idinudugtong sa isang sanga upang makapagsimula ng bagong buhay. Sa skin grafting, kumukuha ng piraso ng balat sa tagong bahagi ng katawan upang itapal sa bahaging may peklat upang magmukhang pantay at tuluyan ngang mabura ang marka ng sugat. Hindi man mabilis na mawawala, ngunit mabisa ito sa mga sugat na nag-iwan ng malalim na marka.

Marami namang uri ng gamot sa peklat na hindi na kailangan pang sumailalim sa surgery o di kaya naman ay isagawa pa ng isang doctor. May mga tinatawag na over the counter creams, oils at gels. Ang ilan ay makikita rin ipinalalabas sa mga advertisements.

May ilang gamot sa peklat na iniinom gaya ng mga gamot na pampabilis ng pagpapatuyo. Ito ay kadalasang ginagamit sa mga gamutang ginamitan ng surgery. Sa pag bili ng mga ito, mahalaga ang reseta o prescription ng doktor. Iwasan din ang self prescription sa mga ganito kasensetibong gamutan lalo na sa mga taong may allergic reactions sa ilang pagkain o kemikal.

Isa naman sa malaking hamon pagdating paghahanap ng gamot sa peklat ay ang paggamot ng peklat na matagal na. Kagaya ng mga bagong peklat, isa sa pinakamadaling paraan upang magamot ang peklat na matagal na ay isinasagawa ng mga doktor sa pamamagitan ng mga paraang nabanggit.

Mayroon din namang mga gamot sa peklat na matagal na, na hindi kasing mahal ng mga nauna. Maaaring mas mabagal ang epekto ngunit kakailanganin lang ng sipag at tiyaga.

Sibuyas, Gamot sa Peklat na Matagal na

Ilan sa napatunayang mabisang gamot sa lumang peklat ay ang katas ng sibuyas. Ayon sa ilang pag aaral, ilan sa mga gumamit ng katas ng sibuyas ay nakakita ng pagbabago sa kulay ng balat sa loob lamang ng apat na lingo. Maaaring mas matagal ang hihintayin kung peklat ay luma na pero sigurado ang epekto.

Dahil sa natural na kakayahan ng sibuyas na magpalambot, isa ito sa mga pinagkakatiwalaang halamang gamot para sa mga problema sa balat. Nababago nito ang kulay, kapal at lambot ng balat sa loob lamang ng ilang araw. Ayon naman sa ilang survey, ang katas ng sibuyas ay may kaparehong epekto sa mga creams na nabibili sa mga botika.

Alamin kung ang inyong balat ay walang allergic reaction bago gumamit ng anumang gamot sa peklat ito man ay nabibili o natural na paraan at huwag kalimutang laging hingin ang payo ng doktor.

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

Gamot sa Peklat – Ilang Kaalaman
4 (80%) 1 vote

KATULAD NA MGA ARTIKULO