Paano Maaalis ang Peklat ng Tigyawat sa Mukha, Di Kailangang Mahal

Ang peklat ng tigyawat ay itinuturing na ikalawang matinding pagdurusa. Ito ay lumalabas sa oras na matapos na ang pakikipaglaban sa tigyawat. Ang peklat ng tigyawat ang ay marka o uka na naiiwan ng tigyawat at kadalasang may kalaliman at may karamihan. Sa pagkakataong ito, kailangan ang maingat at matalinong pagpili dahil ang maling hakbang ay maaaring magpalala ng problema.

Maaaring maiwasan ang matinding peklat ng tigyawat kung sa simula pa lamang ng paglabas ng tigyawat ay magiging maingat ang may katawan. Ang pagtiris, madalas na paghawak at pagpahid ng iba’t ibang pampahid sa mukha na karaniwan ay hindi naman hiyang sa balat ang nagpapalaki at nagpapalalim ng nasasakupan ng tigyawat. Mas malaking tigyawat ay nangangahulugan ng mas malaking peklat na iiwanan nito.

Paano Maaalis ang Peklat ng Tigyawat sa Mukha sa Tulong ni Dok

Pinakaligtas na paraan kung paano maaalis ang peklat ay ang hingin ang payo ng mga taong nakaaalam at inaral ang mga bagay na patungkol dito. Ang mga dermatologist ay makapagbibigay ng ilang solusyon na angkop sa bawat problema ng inyong balat.

Bago pa man magbigay ng solusyon kung paano maaalis ang peklat sa tigyawat sa mukha ang isang espesyalista ay kailangan mona niyang masiguro na tuluyan na ngang huminto ang paglabas ng tigyawat at nasolusyunan na muna ito. Aalamin naman niya ang antas o lala ng peklat na naiwan sa balat. Maaari itong mild o dulot lang ng mga blackheads, whiteheads at maliliit na tigyawat; moderate, peklat na dala ng tigyawat na mapula ang gilid at puti ang gitna, o di naman kaya ay severe, peklat na iniwan ng tigyawat na malalaki, nagtutubig at namamaga.

Sa mga mild at moderate ang solusyon kung paano maaalis ang peklat sa tigyawat sa mukha na iniaalok ng mga doktor ay maaaring gawin ng hindi sumasailalim sa surgery. Isa sa mga ipinapayo ng mga eksperto ay ang microdermabrasion, o ang paglalagay ng exfoliating crystals sa balat at bahagyang pagkuskos nito sa balat upang matanggal ang patay na balat at mabigyang daan ang bagong hanay nito na lumabas.

Ang solusyon kung paano maaalis ang peklat ng tigyawat sa mukha na tinatawag na chemical peel ay isa ring mabisang paraan upang masolusyunan ang mild hanggang moderate na peklat. Ito ay ang pagpapahid ng isang uri chemical sa balat at hahayaan itong magbalat hanggang maalis ang patay na bahagi ng balat at lumabas ang sariwang bahagi nito.

Sa mga severe na problema naman, ang solusyon sa peklat ng tigyawat sa mukha na isinasagawa ng mga dermatologist ay mas matindi at kinakailangang isagawa sa loob ng laboratory.

Isa sa mga ito ay ang dermbrassion. Kagaya ng microdermabrassion, gumagamit din ng proseso ng pagkuskos ng balat upang lumabas ang sariwang bahagi nito. Ngunit sa pagkakataong ito, gumagamit ang mga doktor ng isang hugis diamante na aparato upang magpaikot ikot ng pagkuskos sa balat, para sa mas malalim na epekto. Sa prosesong ito, mas matagal nababakbak o natatanggal ang pang-ibabaw na balat at kadalasang umaabot ng sampung araw.

Ang laser resurfacing naman ay prosesong isinasagawa ng mga doktor na maaaring mangailangan ng anesthesia. Tinatanggal nito ang pang-ibabaw na balat at pinasisikip naman ang kasunod na hanay upang magmukha itong sariwa at bago. Ang mas malinis, mas epektibo ngunit mas mahal na resulta ay makikita pagkatapos ng sampung araw.

Ang fractional laser therapy naman ay isang uri ng solusyon sa peklat ng tigyawat sa mukha kung saan hindi sa ibabaw ng balat isinasagawa ang gamutan. Deretso itong gumagamot sa ilalim na hanay ng balat kaya’t nagiging mukhang sunburn lamang ang epekto. Mas mabilis naman ang paggaling ng balat sa prosesong ito.

Solusyon Kung Paaano Maaalis ang Peklat ng Tigyawat sa Mukha Maaaring Gawin sa Bahay

Sa mga nagnanais namang alamin kung paano mawala ang peklat ng tigyawat sa mukha ng hindi na kailangan pang gumastos ng mahal, narito ang ilang mga natural at matipid na paraan na maaaring gawin ng hindi na kailangan pang pumunta sa dermatologist.

May mga food supplements na nabibili na mayroon nang vitamin E. Maaaring buksan ang capgel at ang gel nito ay maaaring ipahid sa balat kasama moisturizer. Kilala ang vitamin E na mabisang pantulong sa kakulangan ng sustansya sa bahok at sa balat.

Sa pag-aalis ng dead skin, hindi kailangang laging pumunta sa mga lugar na nagbibigay ng mamahaling serbisyo. Maaaring gawin ito sa bahay. Ang asukal na mayaman sa glycolic acid ay mabisang pangtanggal ng dead skin. Ihalo ang isang kutsarang virgin olive oil da dalawang kutsarang asukal at gamitin itong pangkuskos sa balat tuwing ikalawang araw.

Maaaring ibabad ng ilang minute sa balat ang rose hip seed oil dalawang beses sa isang araw upang makita ang mas makinis na kutis. Ang rose hip seed oil ay mabisa dahil sa natural nitong essential fatty acids at Vitamin A na makapagpapalusog sa balat upang unti unti ay mabura ang peklat ng tigyawat sa mukha.

Mabibili sa palengke ang isa sa pinakamadali at mabisang solusyon kung paano maaalis ang peklat ng tigyawat sa mukha. Hiwain lang ng manipis ang patatas at ibabad sa peklat sa loob ng labinlimang minuto.

May natural naman na alpha-hydroxy acid (AHA) ang lemon na isang matapang na panglaban sa mga peklat. Mabisa ito sa papgapagaling ng sugat at sa pagpapanumbalik ng kinang ng balat. Ipahid lang ng derekta sa peklat ang katas ng lemon at hayaan sa loob ng ilang minuto. Banlawan pagkatapos at maaaring magpahid ng moisturizer bilang pagtatapos. Gawin ito tuwing makalawang araw.

Ang honey naman ay isa ring mabisang solusyon sa mga nagtatanong kung paano mawala ang peklat. Ipahid ito sa peklat kahit ilang beses at kahit gaano katagal naisin. Ligtas ang itong ibabad sa balat dahil wala itong mapaminsalang kemikal. Ngunit mag ingat sa mga nabibiling honey dahil may mga hindi tunay na honey na nagkalat sa mga grocery. Mas makabubuting derektang bumili sa mga farm na pinagkukuhanan nito.

Ang pipino na mayaman sa vitamin C, A at magnesium ay nakatutulong din kung paano mawala ang peklat. Hiwain lang ito ng manipis at derektang idikit sa balat sa loob ng tatlumpung minuto. Makatutulong na banlawan ang balat ng malamig na tubig pagkatapos.

Ang virgin coconut oil naman na subok na ng nakararami ay mainam na i-masaeh at ibabad sa balat lalo na sa bahaging may peklat. Maaaring itong hayaan sa balat sa loob ng tatlumoung minute o higit pa bago banlawan ng tubig o natural cleanser.

Higit sa lahat ng gamot pinakamainam na ay ang maging maingat at mapagbantay sa pangangalagang ginagamit sa balat.

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

Paano Maaalis ang Peklat ng Tigyawat sa Mukha, Di Kailangang Mahal
Rate this post

KATULAD NA MGA ARTIKULO