Paano Mawala Ang Pimple Marks?

Ang pimple marks ay maaaring magdulot ng maraming mga bahid sa iyong mukha. At ang pagkakaroon nito ay talaga namang di kanais-nais. Kung minsan pa nga, ang pagkakaroon ng maraming pimple marks sa mukha ay sadyang nakakahiya, kung kaya ito ay nakapanghihina sa kompiyansa mo sa iyong sarili.

Mayroong maraming mga paraan upang alisin ang mga marka na dulot ng tagihawat at mayroon napakaraming natural na mga remedyo na maaaring gamitin upang masolusyonan ito. Gayundin, mayroong napakaraming cream at mga gamot na mabibili sa merkado. Ngunit, maging maingat sa paggamit sa mga ito. Kadalasan, ang mga krema at gamot na ito, maliban sa sadyang mahal, ito rin ay nagdudulot ng maraming mga side effects. Kaya laging mas safe at mahusay na sundin ang natural na mga remedyo upang alisin ang pimple marks. Sa artikulong ito, tatalakayin natin ang ilang pinakamahusay na mga remedyo na karaniwang matatagpuan sa bahay .

Gumamit ng yelo para mawala ang pimple marks

Ang yelo ay ang pinaka-popular na lunas upang mapuksa ang pimple marks. Tinutulungan nito na mapabuti ang sirkulasyon ng dugo sa tagihawat, at pinapalabas ang balat sa mga maliliit na pores at inaalis ang dumi at langis na natipon sa balat.

Maaring gawin ito para mawala ang pimple marks:

  • Kumuha ng ice cubes at balutin ang mga ito sa tela.
  • Gamit ito, i-massage ang pimple marks.
  • Maaari ring direktang ilapat ang yelo sa mga marka ng tagihawat para sa mabilis na resulta.
  • Maaari kang magdagdag ng berdeng tsaa o green tea sa mga ice cubes sa mas mahusay na pagpapagaling ng pimple marks.

Ang green tea ay naglalaman ng mataas na antas ng mga antioxidant na tumutulong upang labanan ang mga free radicals na pumipinsala sa iyong balat. Mayroon din itong mga antiseptikong katangian na pumapatay ng mga mikrobyo na nagiging sanhi ng acne o pimples.

Maari ding kuskusin ng dahandahan ang buong mukha ng ice cubes, lalo na sa bahagi ng mukha na may pimple marks. Gawin ito isang beses bago matulog at pagkatapos ay ulitin ito kapag bumabangon ka sa umaga.

Paano mawala ang pimple marks: Gamitin ang katas ng lemon

Ang paggamit ng lemon ay ang isa pang pinakamabilis na paraan upang alisin ang mga pimple marks. Ito ay puno ng bitamina C, na tumutulong sa mga pimples na matuyo nang mas mabilis. Ang lemon juice ay mayroon ding mga katangian na nagpapaputi sa balat.

Sundin ito para mawala ang pimple marks:

  • Pigain ang lemon nang makuha ang katas nito at kumuha ng cotton ball.
  • Ilublob ang cotton ball sa katas ng lemon at ilapat ito sa mga pimple marks. Iwanan ito sa buong magdamag.
  • Sa umaga, hugasan ang pimple marks ng maligamgam na tubig para sa mas mahusay na resulta.

Pasingawan ang pimple marks para mawala ito

Ang paggamit ng steam ay nagdudulot ng kamangha-manghang resulta sa iyong balat sa anumang oras, higit sa lahat kapag mayroon kang mga pimples. Ang steam ay tumutulong upang mabuksan ang mga pores na naka-blocked at pahintulutan ang iyong balat na guminhawa. Nakakatulong din ito upang alisin ang mga langis, dumi, pati na rin ang mga bakterya na nakulong sa follicle ng buhok na maaaring maging sanhi ng impeksiyon o pamamaga. Upang makuha ang kaaya-ayang epekto ng singaw sa balat, lalo na sa bahagi na may pimple marks, maaari mong gamitin ang isang bapor o pakuluan lamang ang malinis na tubig sa isang kawali. Pagkatapos, kumuha ng malinis na tuwalya at takpan ang iyong ulo at mukha upang mahalumigmigan ang iyong mukha sa singaw na mula sa tubig na kumukulo. Mag-ingat ng di mapaso.

Subukan ang bawang bilang remedy sa pimple marks

Ang bawang ay isang anti-viral, anti-fungal at antiseptic agent na makakatulong sa pag-alis ng mga scar na dulot ng tagihawat. Ang sulphur na nilalaman ng bawang ay nakapagpapagaling nang mabilis sa mga pimples.

  • Kumuha ng 4 hanggang 5 pirasong bawang at durugin upang makuha ang katas nito.
  • Ilapat ang katas ng bawang sa pimple marks sa pamamagitan ng cotton ball.
  • Pagkatapos, maaari mo ring ilapat ang durog na bawang dito.
  • Hugasan ang pimple marks sa umaga ng sariwang tubig.
  • Ulitin ang paraang ito 2 beses sa isang linggo upang makita ang mas mahusay na resulta.

Gamitin ang tubig ng niyog para mawala ang pimple marks

Ang tubig ng niyog ay naglalaman ng mga cytokinin at antioxidant na tumutulong upang mapuksa ang mga marka na dulot ng tagihawat. Ang pag-inum ng tubig ng niyog ay nagpapanatili sa ating balat na malusog, makinis at mas mukhang bata tingnan. Kumuha ng sariwang berdeng niyog at ibuhos ang tubig nito sa isang mangkok. Pagkatapos ay ibabad ang koton sa tubig ng niyog at ipahid sa buong mukha, lalo na sa bahagi na may pimple marks. Pagkatapos ay hugasan ang iyong mukha ng maligamgam na tubig. Maari ring gamitin ang tubig ng niyog na panghugas sa mukha upang mapanatili itong maaliwalas, makinis at malambot.

Subukan ang puti ng itlog

  • Ilapat ang puti ng itlog sa apektadong bahagi ng iyong mukha sa pamamagitan ng iyong mga daliri.
  • Hayaan itong matuyo sa iyong pimple marks at maghintay ng ilang oras bago linisin ito sa pamamagitan ng mainit-init na tubig.
  • Gawin ito 3 hanggang 4 na beses sa isang linggo upang alisin ang acne scar.

Baguhin ang Iyong Iskedyul sa Araw-araw para iwas pimples!

Kung gumagamit ka ng natural na remedyo sa bahay o komersyal na produkto upang mawala ang pimple marks, ang bawat lunas na ito ay dapat na magsimula sa isang mahusay na pangangalaga sa balat. Kaya upang mabawasan ang pag-aalala na dulot ng pimple marks, linisin ang iyong mukha ng dalawang beses sa isang araw gamit ang facial wash na angkop sa iyong uri ng balat. Tiyaking alisin ang anumang mga pampaganda gaya ng makeup bago matulog sa gabi. Gumamit ng toner sa balat kung ito ay angkop sa uri ng iyong balat ngunit maging maingat. Uminom ng maraming tubig araw-araw upang mapanatiling hydrated ang balat. At tandaan, palaging kumain ng mga malulusog at masustansyang pagkain na tumutulong upang maging malusog ang iyong balat.

Ang paggamit sa mga natural na remedyo sa bahay upang mawala ang pimple marks ay maaaring kapaki-pakinabang at di gaano magastos. Ngunit maaring tandaan na sa kaso na ang mga pimple marks ay labis nang malubha at maaring di na magamot sa pamamagitan ng mga simpleng pamamaraan na tinukoy sa itaas, mainam na komunsulta sa isang dermatologist upang makakuha ng mas mainam at mas mahusay na uri ng paggamot.

KATULAD NA MGA ARTIKULO