Gamot sa Peklat ng Bulutong: Gaano Ito Ka-Epektibo?

Nagka-bulutong ka na ba? Malamang, nag-iwan ng marka sa balat mo ang nakahahawang sakit na ito. At, malamang din, kung sa mukha o iba pang litaw na bahagi ng balat mo naiwan ang mga peklat, madalas ay hiyang-hiya ka sa mga taong nakakakita nito. Worry no more! May mga gamot sa bulutong na sadyang mabisang nakapagpapabawas hanggang sa matanggal ang pagkahalata ng mga pekas mo sa katawa dulot ng sakit. Siguradong pag nasubukan mo ang mga panlunas na ito, mababalik ang kumpyansa mo sa sarili. Tiwala lang, kapatid!

Ang pagkakaroon ng peklat nang dahil sa pagkakaroon ng bulutong, kung minsan ay nagiging sanhi ng hiya at kawalan ng tiwala sa sarili. Dahil dito, nagkakaroon ang isang tao ng matinding inferiority complex na talaga namang nagdudulot ng suliranin hindi lang sa taong may dala-dala nito, maging sa mga nakapaligid sa kaniya at nakakasama niya. Ang artikulong ito ay makatutulong upang malaman ang mga gamot sa peklat ng bulutong, gaano kabisa ang mga ito, at iba pang mga impormasyon kaugnay nito.

Tatalakayin dito ang mga sumusunod:

  • Anong uri ang sakit na bulutong
  • Sanhi at sintomas nito
  • Paano ito mabibigyan ng lunas
  • Komlpikasyon at panganib ng bulutong
  • Bulutong sa buntis
  • Over-the-counter at natural na gamot sa peklat ng bulutong
  • Professional na paggamot sa peklat ng bulotong
  • Paano maiiwasan ang magkaroon ng peklat ng bulutong

Para mabigyang lunas ang peklat ng bulutong, pag-usapan muna natin kung anong uri ang sakit na ito.

Ano nga ba ang bulutong at mga sintomas nito?

Ang bulotongn sa terminong medikal, ay tinatawag na vacella, dahil ito sa vacella zoster virus. Ang sakit na ito ang nagdudulot ng makati at mapupulang paltos sa buong katawan ng isang tao. Karaniwan itong dumarapo sa mga bata. Kapag ikaw ay nagkaroon nan g bulutong, mababa ang tsansang ito ay maulit pa sa iyo. At dahil karamihan sa mga tao, lalo na sa mga bata ay mayroon nang bakuna para rito, nababawasa din ang malaking tsansa ng pagkakaroon nito.

Kung hindi ka pa nagkakaroon ng bulutong, importanteng malaman mo na napakadaling mapansin ang mga indikasyon ng pagkakaroon ng bulotong. Ikaw ay magkakaroon ng mapula at makating mga rashes at paltos sa iba’t-ibang bahagi ng iyong katawan. Ang infection na ito ay tumatagal ang halos 21 na araw sa loob ng katawan ng tao, bago pa lumabas ang mga sintomas nito hanaggang sa gumaling ito. Ang bulutong ay maaaring makahawa 48 na oras pa bago lumabas ang mga rashes nito. Narito ang ilang mga sintomas na dapat bantayan kahit na hindi mo pa nakikita ang mga naturang indikasyon:

  • Lagnat
  • Sakit ng ulo
  • Pananamlay at kawalan ng gana sa pagkain

Dalawang araw makalipas maramdaman ang mga nabanggit na sintomas, maaari nang lumabas ang mga rashes. Ang mga rashesna ito ay maaaring magtuloy-tuloy hangga’t mayroon pang infection at hindi pa ito gumagaling.

Bukod sa mga nabanggit, ilan pa sa mga ibang sintomas na maaaring maranasan ay ang mga sumusunod:

  • Paglabas ng mapupulang rashes sa buong katawan
  • Ang rashes ay nagiging mga maliliit na mga bukol
  • Ang mga maliliit na bukol na mamamaltos at mamamaga
  • Ang mga paltos na maaaring matuyo at lalong magiging makati

Ang mga rashes, na nagiging mga paltos ay maaaring maging paulit-ulit lang, mawawala ang iba ngunit mayroong bagong tutubo. Mawawala lamang ito nang tuluyan kapag nawala na ang infection. Habang nasa proseso ng paggaling ang bulutong, mas lalong kumakati ang mga ito, at sa panahong ito, mas malaki ang tsansang makahawa ang sakit. Maaaring mawala lamang ito nang tuluyan makalipas ang dalawang linggo.

Mga sanhi ng bulutong

Ang bulutong ay nagmula sa isang virus natinatawag na vacella-zoster (VZV) na siyang nagiging sanhi ng infection. Ang pakikisalamuha sa mga taong may ganitong infecfion ang karaniwang dahilan kaya nagkakaroon ng bulutong ang isang tao. Bago pa man lumabas ang mga sintomas nito ay maaari nang makahawa ang bulutong. Patuloy ding kakalat ang virus hangga’t hindi pa tuluyang gumagaling ang taong mayroon nito. Paano ba nakakahawa ang bulutong?

Narito ang ilang mga puwedeng pagmulan ng pagkakahawa ng isang tao sa pasyenteng may bulutong. Alamin nang malaman mo kun saan nagmula ang bulutong mo kung nagkaroon ka na nito:

  • Laway
  • Pag-ubo
  • Pagbahing
  • Kapag napadikit sa fluid ng paltos ng bulutong

Malaki ang tulong ng pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa bulutong, mga sanhi at sintomas nito, upang mabigyan ng sapat na lunas ang sakit. Ngunit paano kung mas lumalala ito? Importanteng malaman ang mga panganib at komplikasyong maaring idulot nito. Narito ang ilan sa mga indikasyon:

  • Ang rashes ay umabot hanggang sa mata
  • Kapag ang mga rashes ay sobrang mapupula at hindi pangkaraniwan (baka may secondary infection)
  • Kapag nahihilo at hirap huminga

Kailangan nang kumonsulta sa doktork kapag naramdaman na isa man lang sa mga ito. Kailangan ding matingnan ng espesyalista ang mga sumusunod kapag nakitaan ng mga naturang indikasyon:

  • Sanggol
  • Mga nakatatanda (lolo at lola)
  • Mga tao na mahina ang immune system
  • Mga babaeng nagdadalantao o buntis

Maaaring mayroong infection ng VZV pneumonia ang mga nabanggit, at ang pagkakaroong ng ganitong komplikasyon ay mapanganib sa kanilang balat, kasukasuan at buto.

Para naman sa mga buntis na nakararanas nito, maaaring lumabas ang kanilang sanggol na may mga kakulangan o deficiency katulad ng:

  • Mahinang paglaki at katawan (poor growth)
  • Maliit na ulo ng sanggol
  • Prolema sa mata o paningin
  • Intellectual disabilities

Kung ikaw ay buntis ngunit hindi ka pa naman nagkakabulutong, huwag mabahala. May maaari ka namang gawin para maiwasang magkaroon nito. Nang sa gayon din ay hindi mo na poproblemahin pa ang gamot sa peklat ng bulutong. Para maiwasan ang mga komplikasyon at panganib na dulot na bulutong, nararapat lamang na alamin ang gamot dito.

Gamot sa bulutong

Kadalasang ibinibigay o inirereseta na gamot sa bulutong ng doktor ay antihistamine o ointement para sa paltos. Matutulungan pang maibsan ang pakiramdam lalo na ng pangangati kung gagawin ang mga sumusunod:

  • Pagligo ng maligamgam na tubig
  • Paglagay na mga walang amoy at banayad na lotion
  • Pagsuot ng mga komportableng damit

Ngayon ay alam mo na kung ano ang bulutong, sanhi, sintomas, gamot, komplikasyon at panganib na dulot nito. Ngayon, dapat mo naman malaman kung ano-ano ang mga gamot sa peklat ng bulutong.

Gamot sa peklat na bulutong

Dahil nga hindi ka na kumportable sa mga peklat na dala ng bulutong, now is the best time para gamutin ito. May ilang mga mabisang gamot sa peklat ng bulutong na maaring subukan. Umpisahan natin sa natural na remedy. Makatutulong ang natural na panlunas lalo na kung ang taong nagkabulotong ay may murang edad pa lamang at sensitibo pa ang balat. Narito ang ilan:

  • Vitamin E – nagpapaputi ito ng balat at nakapagpapabawas hanggang sa matanggal ang peklat
  • Aloe vera – ito ay kilalang mahusay na burn healing at pampauti ng balat at peklat
  • Cocoa butter – ang antioxidant at moisturizer na taglay nito ay mabisang gamot sa peklat

Maliban sa mga natural na gamot sa peklat ng bulutong na nabanggit, ay may mga gamot sa peklat ng bulutong naman na mabibili over-the-counter.

  • Retinol cream – ito ay mayaman sa Vitamin E at nagpapadami ng collagen. Ang pinagsamang retinol at glycolic ang siyang mabisang gamot pangtangal ng peklat.
  • Exfoliant – ang pagtanggal ng mga old skin o mga lumang balat ay tinatawang na exfolaiation, na makakatulong upang mawala ang peklat.
  • Scar removal cream – ang ganitong uri ng cream ay maaaring gamitin sa lahat ng uri ng peklat.

Ang mga nabanggit na gamot ay maaaring makatulong, ngunit katulad nga ng madalas mabanggit, mas makabubuti pa rin ang pagkonsulta sa isang dermatologist.

May mga uri ng paggamot sa peklat na professional tulad ng:

  • Fillers
  • Microneedling
  • Microdermabrasion
  • Chemical peels
  • Skin grafting
  • Laser resurfacing

Ang mga professional na uring ito ng gamot sa peklat na bulutong ay maisasagawa lamang ng mga espesyalista at dermatologist. Kaya maaari mo silang tanungin tunkol dito. Kadalasan din, ang mga taong sumasailalim dito ay yung mga malala at malalim na ang peklat nagmula man sa bulutong o iba pang pinagmulan. Para makaiwas sa peklat kapag may bulutong, makabubuti kung susundin ang sumusunod:

  • Iwasang kamutin ang bulutong
  • Gumamit ng gwantis upang hindi ma-irita ang balat kung sakaling kakamutin ito.
  • Lagyan ng lotion ang paltos makabubuti kung aloe vera o cocoa butter ang sangkap ng lotion
  • Lagyan ng anti-icth cream ang paltos
  • Oatmeal bath
  • Antihistamine gaya ng Benadryl

Malaki ang maitutlong kung iiwasan ang magkaroon ng bulotong. Subalit kung minsan, sadyang dumadapo ang sakit sa hindi natin maiwasang kadahilanan. Ang gamot sa peklat na bulutong ay nalang hanapin at makuha, gaya ng natural at over-the-counter na gamot. May mga professional na paraan na ding pwedeng gawin. Kaya naman ito ay hindi na dapat maging suliranin.

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

Gamot sa Peklat ng Bulutong: Gaano Ito Ka-Epektibo?
Rate this post

KATULAD NA MGA ARTIKULO