Paano Kuminis Ang Balat?

Ang malusog na pamumuhay ay sinasabing sumasalamin sa iyong pagkatao. At ang paraan ng pag-aalaga mo sa iyong balat ay maaaring paminsan-minsan ay nagpapakita kung gaano mo kahusay na pinamamahalaan ang iyong buhay, ang iyong pamilya, ang iyong relasyon, at pati na ang iyong karera. Kaya ang pagkakaroon ng makinis na balat ay talagang kaaya-aya sa paningin ng nakararami, lalo na sa mga kababaehan.

Dapat mong panatilihing malinis ang iyong balat upang maiwasan ang mga problema tulad ng mga tigyawat at black head. Ang pag-a-achieve, ika nga,ng maganda, malambot, makinis at kumikinang na balat ay hindi lamang nakasalalay sa paggamit ng mga mamahaling produkto o salon treatment. Sa katunayan, napakaraming mahal na produktong pampaganda ngayon sa merkado ang nangangakong magbibigay ng makinis at malusog na kutis ngunit mag-ingat sa paggamit sa mga ito, dahil nagkalat ngayon ang mga pekeng produkto na maaring magsanhi ng pinsala sa iyong balat.

Tandaan na ang wastong pag-aalaga sa balat ay nangangailangan lamang ng kaunting pagsisikap at ilang mga produkto na maaaring magamit sa bahay. Ang artikulong ito ay magbibigay sa iyo ng kaalaman tungkol sa wastong pag-aalaga sa balat at nang sa kalaonan ay makamit mo rin ang makinis na kutis.

Ngunit paano nga ba kuminis ang balat? Anu-ano nga ba ang ilang natural na mga sangkap na pampakinis ng balat?

Sundin ang mga simpleng tip na ito upang kuminang at maging makinis o smooth ang iyong skin:

Tubig para kuminis ang balat

Isa sa pinakamahalagang bagay na maaari mong gawin para sa makinis at kumikinang na balat ay uminom ng maraming tubig. Ang iyong layunin ay dapat uminom ng 8 hanggang 10 na baso ng tubig sa bawat araw. Gawin ding maligo ng madalas. Tinutulungan ng tubig ang katawan upang alisin ang mga toxin at basura. Gayunpaman, iwasan ang mga inuming matatamis, alkohol at carbonated drink. Subukang kumain ng mga prutas na may mataas na nilalaman na tubig gaya ng pakwan, peras, mansanas atbp. Ang paglilinis ng iyong mukha ng hindi bababa sa dalawang beses sa isang araw sa pamamagitan ng malinis na tubig ay makakatulong din na mapabuti ang kalusugan at hitsura ng iyong balat.

Katas ng lemon para kuminis ang balat

Maaaring gamitin ang katas ng limon upang linisin ang iyong balat, mabawasan ang mga dark spot at peklat nito, at upang mapanatili itong makinis at malambot. Ang prutas na mayaman sa sitrus gaya ng limon ay naglalaman ng mga cleansing enzyme na nag-aalis ng mga patay na selula kaya nagiging mas malinis at mas makinis ang balat. Sa pamamagitan ng mahusay na astringent properties nito, ang limon ay isang mahusay na natural cleanser para sa mga tao na may oily skin.

Upang mabawasan ang dark spot at mga marka ng tigyawat sa balat, maaari mong gamitin ang sariwang katas ng limon at ilapat ito sa iyong buong mukha at leeg o saanmang bahagi ng iyong katawan. Iwanan ito sa loob ng 10 minuto at pagkatapos ay banlawan ito ng maligamgam na tubig. Maaari mong gawin ito araw-araw o maraming beses sa isang linggo.

Maari ding gamitin ang pinaghalong katas ng limon at puti ng itlog. Ilapat din saanmang apektadong bahagi ng balat. Iwanan ito sa loob ng 10 minuto at pagkatapos ay banlawan ng mainit na tubig. Ulitin minsan o dalawang beses sa isang linggo.

Sariwang kamatis ay pampakinis ng balat

Ang sariwang kamatis ay likas na mahusay sa pagpapaganda ng balat. Kung maari, kumain ng maraming kamatis. Isama ang sariwang kamatis sa iyong diyeta araw-araw. Sinasabing ito ay nakakapagpapagaling sa atay, kung kaya’t hinihikayat nito ang atay na gumawa ng glutathione na nakapagpapakinis sa kutis.

Maaari din itong makatulong sa paggamot sa mga tigyawat at mantsa (blemishes) sa balat.
Upang gawing malambot at makinis ang iyong balat, mag-blend lamang ng sariwang mga kamatis. Ilapat ang tomato paste sa iyong mukha. Iwanan ito sa loob ng 10 minuto at pagkatapos ay hugasan ito ng tubig. Ang pang-araw-araw na paggamit nito ay maaaring makatulong sa pagsara ng mga pores sa balat at mapanatili itong makinis at malambot.  Maaari mo ring gamitin ang tomato paste upang pagalingin ang mga namamagang tigyawat. Ilapat ito sa apektadong bahagi at iwanan ito sa loob ng isang oras, pagkatapos ay banlawan.

Gumamit ng Honey o Pulot para maging makinis ang kutis

Ang honey ay isa sa mga likas na sangkap na maaari mong gamitin upang makakuha ng makinis na balat.
Ilapat ang raw honey sa iyong mukha at leeg, iwanan ito sa loob ng mga 10 minuto at pagkatapos ay banlawan ito ng malamig na tubig. Ang simpleng lunas na ito ay makakatulong upang mapanatiling makinis at malusog ang iyong balat. Ang isa pang pagpipilian ay ang pinaghalong puti ng itlog at pulot. ilapat ito sa iyong mukha sa loob ng 20 minuto. Hugasan ito ng malamig na tubig at ng sabon upang mawala ang amoy mula sa puti ng itlog. Maaari ka ring gumawa ng makapal na paste o mixture ng pinaghalong tatlong kutsarita ng pulot at isang kalahating kutsarita ng canela powder. Ilapat ito sa iyong mukha at iwanan ito sa magdamag. Sa umaga, hugasan ito ng maligamgam na tubig.

Aloe Vera

Ang aloe vera ay isa pang kahanga-hangang likas na sangkap na ginagamit, di lang sa paghahanda ng pagkain, ngunit bilang alternatibo rin sa pagpapanatili ng makinis at malinaw na balat. Nakakatulong ito sa paggamot sa acne at skin blemishes at pagbabawas sa mga wrinkle at fine line na nauugnay sa pagtanda.

I-extract ang gel mula sa isang dahon ng aloe vera at ilapat ito sa iyong balat ng ilang beses sa isang linggo. Bilang kahalili, maaaring pagsamahin ang isang kutsara ng aloe vera gel, dalawang kutsarita ng katas ng limon at isang kutsarita ng pulot. Ilapat ang mixture na ito sa iyong mukha at leeg at banlawan pagkatapos ng 15 hanggang 20 minuto. Gawin ito ng maraming beses sa isang linggo.

Pipino at Gatas

Ang pipino ay natatangi sa cooling effect nito sa balat. Ito ay tumutulong upang linisin ang balat kaya ang balat ay nagiging malambot at makinis. Binabalik din nito ang natural na pH ng balat. Mayroong maraming mga paraan upang gamitin ang pipino para sa pag-aalaga ng balat. Maaring sundin ang simpleng paraan na ito. Ilagay ang nahiwang pipino sa iyong mukha upang marepreskohan ang balat at mapawi ang pagod nito. Gamitin ang juice ng pipino bilang skin-tightening agent upang mapigilan ang pores. Maaari mong ilapat ito gamit ang isang koton o ihalo ito sa gatas upang makagawa ng skin cleansing mask. Ang gatas ay may mga natural lipid na nagbibigay ng kahimugmugan o moisture sa iyong balat. Paghaluin ang katas ng pipino at gatas at ilapat ito sa iyong mukha o saanmang bahagi ng balat. Iwanan ito sa loob ng 15 minuto pagkatapos ay banlawan upang kuminis ang balat.

Ang paggamit ng losyon na may mabisang sangkap ng pipino o gatas sa balat ay maaaring makatulong din upang kuminis ang balat.

KATULAD NA MGA ARTIKULO

Related posts